Friday, September 24, 2010

Walang Permanente.

Napadaan ako sa kanto. May patay. Ano ba ang inaasahang madadatnan natin? Tent. Lamesa. Mga baraha. Madaming tao. Syempre bidang- bida, Saklaan. Pero naisip mo ba kung bakit may kamatayan? Bakit may mga taong naglalaho. Mga bagay na nawawala. Lahat ng buhay ay hiram lamang. Hindi lahat ng oras at panahon sayo ang buhay mo. Di natin alam kung kailan tayo mamamatay. Hindi lahat ng bagay pagmamay-ari natin. Maaaring ito'y mawala. Pwedeng manakaw at kahit na masira. Nagmahal ako. Mahal niya rin ako. Para sa akin, pagmamay-ari ko sya. At para sa kanya, pagmamay-ari niya ako. Nagmahalan kami ng lubos hanggang isa sa amin ang umayaw. Sya ang umayaw at nagpatigil sa umaandar naming pagmamahalan. Siguro nga't di habang buhay akin sya, hindi buong panahon sa kanya ako. Maging pag-ibig ay may hangganan din. Hindi ito permanente. Kagaya na lamang sa buhay natin. Bawat buhay natin ay may dulo. Kaya kahit kailan, Kahit saan, pwede itong bawiin satin at di na ibalik kailanman.

No comments:

Post a Comment