Wednesday, September 15, 2010

Tuldok.

Sinisimbolo nito ang katapusan
maaaring makita sa mga libro
tumatapos ito sa mga usapan,
Paggamit nito ay hindi isang biro.

Magwawakas ito ng isang sanaysay
Iba't iba ang nais ipahiwatig.
tuldok ay nakasalalay sa iyong kamay
iisa lamang ang nais ipahatid.

Sa lahat ito'y maaaring makita,
maging buhay man ay mayroong tuldok.
dulo man ng ating lakbay ay di kita,
tuloy lang hanggang sa dulo na pagsubok.

No comments:

Post a Comment