Thursday, October 14, 2010

''Ikaw ang Ilaw''


Umuwi ako sa Gabi, lasing na lasing. Nadatnan ako sa sala ng aking ina na namumula, nahihilo at nasusuka. Agad niya akong nilapitan at inamoy. Sabay sampal. Lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang nagpasakit sa aking damdamin. Mga linyang nagpatulo sa aking mga luha. Mahal ako ng aking mga magulang. Ngunit ano ba ang pagkukulang nila para gawin ko ito? Siguro'y kabataan ako kaya ko ito nagagawa. Umiiyak si ina. Nagtanong kung bakit ako nagiging pabaya, suwail at walang silbing anak. Tama siya. Hindi niya ako sinusumbatan pero alam kong pawang katotohanan lamang ang mga sinasabi at pangaral niya. Nag-aaral palang ako at di kailangang magpakasarap. Bata pa ko para maging ''Bestfriend'' ang alak. Hayskul palang ako para sumayaw sa mga gimikan. Higit sa lahat, anak pa lang ako para tapusin ang nasimulan kong paglalakbay. Salamat sa aking ina. Na nagtiis sa bawat katigasan ng ulo ko. Utang na loob ko ang bawat pagiintindi niya. Sa mga suporta, sa bawat pangaral niya at labing anim na taon na nagsisilbi bilang isang guro, kaibigan, kapatid at higit sa lahat, isang tunay na ina.  

1 comment:

  1. Okey lang yan (:
    Lahat naman dumadaan sa ganyang sitwasyon.

    ReplyDelete