Saturday, October 9, 2010

Mumunting Kamunduhan.

habang ako'y may sakit at nasa kama,
nakahiga ako sa dalawang unan para makapagpahinga
Ang mga laruan ko sa aking tabi,
para magbigay ng ngiti sa aking labi
at kung minsan pa'y natatagalan
mga laruang sundalo aking pinagmamasdan
mga iba't ibang kasuotan at pananamit
ang ilan pa'y sa aking kubre kama nakasabit
sa palaruan ko'y mga puno
at para bang isang totoong mundo.
naisip ko na kunware ako ang higante
hinihiling ko na sana lahat ng itoy permanente
ang dati kong malungkot na higaan,
ngayo'y nagkaroon ng isang makulay na karanasan.

Bahaghari.

Iba't iba man ang kulay nito
isa lamang ang kanilang sinisimbolo
Bahaghari ay isa lamang sa kasiyahan ng tao
Diba't pati ika'y namamangha pag ito'y nakikita mo?

Sa dulo nito'y may ginto ika ng matatanda
nais makita at makuha ng bawat bata
animo'y sa dulo nito'y may paraiso
Paraiso na kinabibilangan ng bawat hiling mo.

Iba iba man ang ugali natin,
tao parin tayo kung tatawagin
tulad ng bahagharing maganda sa paningin,
tayong lahat ay magkakaiba parin

''DADA''

Dahil sayo ako'y naririto,
sa payapa at masayang mundong kinatatayuan ko.
Mahal kita, mahal ka ni mama,
dahil ikaw si ''ama''

Salamat sa lhat ng payo mo,
natututo akong maging maayos dahil dito.
Pasensya sa lahat ng aking pagkakamali,
at hindi na kita napapangiti.
Padre de Pamilya kung sya'y bansagan,
At iaahon kami sa kahirapan.
Salamat sa lahat ng paghihirap,
Papana ginagawa mo upang kami'y sumaya.

Kahit ako'y laging Pinagsasabihan,
dahil sa aking mga Kamalian..
Pa, lagi mong pakatatandaan,
Mahal na mahal ka namin magpakailan pa man.
Ü

Bakit may ipis?

Bakit sa bawat imburnal ay may ipis?
pag lumipad, siguradong maiinis.
Dumadapo sa mga pagkaing panis,
twing manganganak araw-araw ay labis.

Ang aking ama na pagkatangkad-tangkad,
kung matakot sa ipis ay sagad-sagad.
Sa bahay, kapag ang ipis ay lumipad,
ang aking tatay ay tumatakbo agad.

Oh, ipis! Ipis! bakit ka nandirito?
lagi kayong umiistamabay sa banyo.
Habang dumudumi di na makatayo,
mga ipis sa pader makikita mo.

Ilang beses man sila'y iyong patayin,
dumadami parin kahit anong gawin.
Tumingin ka sa paligid at pansinin,
Ipis na di mawawala sa paningin.

Isang Araw na pagmamasid sa Lungsod ng Muntinlupa.

Pasakay na ko ng jeep. Pagkakita ko sa kalsada, isang Jackhammer.''toog, toog.. togg'' tunog nito. Bakit kaya niya binibiyak ang daan? E nakita ko may nakapaskil: MAYNILAD. hanep, malakas na tubeg neto. Di na kailangang mag igib. Sumakay na ko sa Jeep papuntang Susana. May bibilhin kasi ako sa Festi eh. habang nasa Jeep, may sumakay na bata. Batang lalake, walang damit pantaas, shorts lang. Sabay nakayapak. Eh ano yung mga dala niya? Lata. Sobre. Tumambol na at tumugtog sya. Pagtapos, binigay niya ang sobre sa amin. Lagyan daw ng pera kahit barya lang. Wala man lang nagbigay. kaya binigyan ko. Dos. Atlis meron. Bumaba na ko sa Festival. Pagtapak na pagtapak ko palang, nakakita na agad ako ng jejemons. hanep naman sa porma e no? Pagpasok ko sa mall, iba ibang itsura. May mukhang mayaman. Mukhang mahirap. Makakakita ka ng pamilya. Syempre, di mawawala ang mag- Couple. Holding hands pa. PDA daw? Kabataan naman. Masyadong mapusok. Papunta akong Artwork. Ganda kasi ng mga designs dun. Mura pa. May nahanap ako, PLain white tshirt tas Printed na mukha ni MOJOJOJO. Yung sa Power Puff Girls. PInili ko. Large sabe ko. Sinukat ko sa Fitting Room. Ano Use ng Camera kung hindi gagamitin? Todo picture na naman ako sa Fitting Room. Pinoy talaga, kailangan ba lage sa Fitting room magpapicture? Mirror Shot pa. Bayad na sa Counter. Hala, kumulo na tyan ko. Gutom na ko. Makakaen nalang sa MCDO. Favorite ng pinoy, Affordable daw kasi e. lalo na yung MCSAVERS. Inorder ko yung Float, Rice with Chicken Fillet. Busog na ko pagtapos. Tinamad na ko mag ikot kaya binalak ko umuwi nalang. GInabe na pala ako. Sakay na ko ng Pacita. Nilabas ko Cellphone ko para magtext. Pero may pumigil. Isang matanda. ''To, wag ka maglabas ng Cellphone dito sa Alabang. Baka ika'y madukutan''. Salamat naman sa paalala niya. Pauwi na ko. Pedicab. Bahay. Tulog. Narealize ko, araw-araw, iba't ibang tao ma-eencounter natin. Ibang mukha, paniniwala, at ugali.

Kulangot. :)

Madiin kung sila'y kumapit,
sa butas ng ilong mong maliit.
Maberde kung iyo'y masdan,
binibilog mong marahang-marahan.

Sundot dito, sundot doon,
pagtapos ay bibilutin ngayon.
''YUCK'' isisigaw nila,
pagnakita nilang nangungulangot ka.

Di mo ba alam na kulangot ay mahalaga?
pumipigil ito sa duming pumupunta,
ss ilong kaya ito'y nagbabara,
at ikaw nama'y maiirita.

Kulangot minsan ay nakakadiri,
kukunin mo gamit ang daliri.
Kulangot na nabuo dahil sa sipon,
at sa huli iyo rin palang itatapon.

Hagdan.

Masaya na ko sa twing papasok ako. Nakikita ko ang Crush ko. Iba ang feeling. Hindi ko alam kung may gusto rin sya sa akin. Pero sa dating ng mga titig nya sa mukha ko, kakaiba. Sa twing nagkakasalubong kami, buo na araw ko. iniisip ko nalang na magkalapet kami sa twing madadaanan namin ang isa't isa. Pero iba ang pangyayari sa hagdan. Hagdan pababa sa School namen. Isang araw pababa ako sa hagdan. Nagulat ako nang papaakyat sya at pababa ako. Pagkataas ng ulo nya ay tinitigan nya agad ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumitig din sa maala-anghel niyang mukha. Nagkatitigan kami. Tumigil ang mundo ko. feeling ko kaming dalawa lang ang tao sa mga oras na iyon. Binaling ko nalang ang tingin ko at muling bumaba. Ganun at ganun lang din ang nangyayari. Salubungan sa hagdan, titigan. Sadya lang ba na lagi kami sa hagdang iyon nagkakasalubong? Nagkikita? O talagang tadhana? ''Oy mia! Ano natutulala ka na naman dyan?'' Nagulat ako sa kaibigan ko. nakatulala na naman ako at inaalala ang mga pangayayari noong hayskul pa ako. Asan na kaya ang hagdang iyon? Andun padin kaya sa paaralan namin noon? Sana'y makapunta akong muli at makita ang bakas ng alaala niya.