Sa ikabuturan ng matayog na bundok
Sa ilalim ng malawak na karagatan
Sa sukat ng mapunong kagubatan
Sa kaitaas-taasan ng walang hanggang kalawakan.
Lahat ng ito'y pilit kong nilakbay
Pilit kong ginalugad ang bawat kasuluk-sulukan
Mapabundok, karagatan, kagubatan at kalawakan
Aking natuklasan mga yamang naggagandahan.
Ngunit di parin madama kasiyahang pilit hinahanap
Halos lahat naman ay may angking kagandahan
Ngunit puso at isipan, Ligaya ay di parin matagpuan
Magagandang yaman naman ay aking nasisilayan.
Subalit nang mata ko ay aking ipinikit,
Nasa puso ko pala yamang di nasisilip
ang yaman na sa akin pala ay magpapaligaya
Yamang walang kapantay na sakin maaaring magpasaya.
Nang ikaw ay aking matagpuan at masilayan,
Sa unang sandali puso at isipa'y anong ligaya?
Ikaw pala ang yamang pilit kong hinahanap,
Puso at isipan ay di na muling maghahanap.
Aking napagtanto sa mundong ito,
Yaman pala'y di lang sa paningin nakikita
Aking masasabi sinta na sa akin nagpapasaya,
ikaw ang yaman sa mundo na sa akin magpapaligaya.
No comments:
Post a Comment