Nagsimula ito sa iisang tao
dahil siya daw ay naalis sa serbisyo
nagdilim ang paninigin at nagdeliryo
dito nagsimulang dumanak ang dugo
nasa loob ng"Bus"ay mga turista
mga dayuhan na buhay ay pinusta
di ba't sila ay ating mga bisita?
nangyari'y tila sila inalipusta
sana'y winagayway bandila niyang puti
ayan tuloy madaming tao ang sawi
naglaho tulo'y matatamis nilang ngiti
habang sa PINAS sila'y nananatili
sino ba namang tao ang natutuwa
di ka makatulong at walang magawa
kundi tumunganga lamang at maawa
sa bihag na naghihintay ng ginhawa
No comments:
Post a Comment